Same pa rin ang situation ngayon kaya imbes na ma-badtrip ako. Itutuon ko na lang ulit kay Rowell yung pag-iisip ko. Kanina sa canteen ako tumambay kasama ang DWB tropa. Habang papalapit ako sa mesa namin, hindi ko namalayan na malapit pala ako kay Rowell. Nakikita ko tuloy siya habang nakikipagkwentuhan ako kila Jojo, Grace at Amy. Grabe, ang puti talaga niya.

Anyway, back to the situation, ganun pa rin naman sa linya. Walang imikan, walang pansinan. Hindi na ako nagshoshort break at nung lunctime, sa DWB ulit ako sumama at nagorder kami ng Jollibee. Hehe.. Ang saya lang that time. Nakalimutan ko yung dinadamdam ko. Salamat sa kanila.

Kinatanghalian, nagkomprontahan na kami ni sir Alvin kung bakit ganun na lang yung pinapakita ko sa loob ng linya. Well, sinabi ko naman sa kanya. Hindi ko na hinabaan yung mga sinabi ko dahil baka mapunta pa kung saan. Pagkatapos ng usapan na yun, nararamdaman kong gustong lumabas ng luha ko pero pinilit kong pigilan. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak nang dahil lang doon. Ayokong umiyak nang dahil nanaman sa kanya. Nagtrabaho na lang ako. Naghapit sa bandang huli dahil na realize ko na talagang napaka-insensitive niyang tao. Yun lang ang masasabi ko sa kanya.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil may maganda nanamang nangyari nung uwian. Pagbaba ko ng shuttle, dahan dahan lang akong naglakad papuntang sakayan kasi gusto kong mauna si Rowell para masundan ko siya pero AKO pala ang sinusundan niya. Nasabi kong sinusundan niya ako kasi nasa likod ko siya nung tumingin ako sa likod. Mas pinili kong dumaan sa tabi mismo ng kalsada imbes na doon sa madilim na daanan na may baha-baha pa. Di ko sukat akalaing ayun din ang pipiliin niya daan. AT take note, dahan-dahan din siya maglakad na para bang ayaw niyang mauna sa akin. Kahit na ako yung unang nakapag-abang, siya naman ang unang nakasakay kasi huminto sa kanya yung jeep. Bali magkaharap kami ni Rowell nung sumakay kami tapos nakasakay ko sa di inaasahang pagkakataon si Kuya Moris. Naging masaya ulit ako nung mga oras na yun tapos parang napapansin kong napapatawa si Rowell na hindi maintindihan..Hehehe.. natatawa yata siya sa akin eh. LOL..