Haysss.. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Noong una akala ko magiging maganda ang buong araw ko, hindi pala.

Actually umaga pa lang wala na akong gana. Nagtataka nga rin ako kung bakit ganun yung nararamdaman ko. Para akong tinatamad na malungkot na walang gana. Siguro dahil sa shuttle pa lang, hindi ko na nakita si Rowell. Bakit kasi kailangan pa niyang mag-Paliparan eh meron namang Dasma at dun naman siya sumasakay dati. Siguro may katotohanan nga na may sinabi si Sir Robert kay Rowell na may nagkaka-crush sa kanya na taga-second floor which is ako yun.

Anyway nasa break area lang ako kaninang umaga, tinamad kasi akong magpunta sa canteen. That time okay pa kami ni Kuya Gil, tamang kwentuhan, yung parang normal lang. Hanggang short break okay pa kami, masaya.

Pero hindi ko akalaing maiiba ang lahat. Habang focus akong nagtatrabaho sa linya, hindi ko namalayan na wala na pala akong kasama sa dicing. Ako na lang pala mag-isa dun. Tsaka ko pa lang naalala na first break SILA. Hindi ko naman alam na ang SILA na yun ay LAHAT pala sila. Although may mali din ako pero sumama pa rin yung loob ko kasi wala man lang tumawag sa akin. Ni hindi man lang ako tinawag ni kuya Gil or sinigawan man lang. Tapos itong si Mark ganun din.. Hindi niya rin ako ininform na lalabas na pala sila. Ramdam ko talaga ang pag-iisa nung mga oras na yun. Dahil nga wala na akong kasama, mas pinili ko na lang kasabay sila Grace, Jojo, Amy, at ang iba pang DieWirebond. Naging masaya naman sila kasama kahit na deep inside, may pinagdadaanan na ako.

Simula nun, hindi ko na sila inimik. Naging tahimik na ako sa linya. Tanging diewirebond lang kinakausap ko. Basta hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Kahit na dapat may iandon ako, hindi ko inandon. Gusto kong maramdaman nila yung hindi sinasabihan.

Maghapon akong ganun, walang gana at hindi naghahapit. Pati sa breaktime ng gabi, kila Grace ako sumama. Ang ending tuloy, marami akong naiwang lote. Hindi ko na pinagsasalang yung mga lote na pwede pa naman sanang ihabol para maubos pero hindi ko na talaga pinagtyagaan. Tinanong din ako ni Kuya Alvin kung bakit ayaw ko nang isalang at iling lang ang isinagot ko tapos umalis na siya. Nalaman ko na lang na sila na lang mismo ang nagsalang.

Buti pa nung uwian may magandang nangyari. Muntik ko nang makatabi si Rowell kaso medyo late siya kaya may mga nauna na. Pero sa jeep, oo, katabi ko siya. Medyo sumaya ako that time pero maya-maya naaalala ko nanaman yung mga nangyari. Kahit ganun, inenjoy ko na lang yung moment kahit nandoon din sa loob ng jeep si Baldo. Nung sinabi kong pakikaliwa sa may simbahan, may narinig ako sumipol sa likod ko. Yung sipol na yun parang expression lang na nakita ko kay Rowell nang sumakay siya ng shuttle na iniisip niya "oops medyo puno na"... Pero kahit maaga siyang bumaba, satisfied na ako na katabi ko siya.