OO, maswerte ako kagabi. Maswerte ako dahil natupad ulit yung gusto kong mangyari - ang makatabi sa shuttle si crush. Nung papasok pa lang kinukutuban na ako na makakatabi ko siya at tama nga ako. Buti na lang talaga at favorite kong shuttle ang naka-assign sa amin ngayon.

Actually medyo kabado pa nga ako habang papalapit na kami sa security bank. Baka kasi mauwi lang sa wala ang hinihiling ko. Syempre gumawa ako ng paraan para walang ibang umupo sa tabi ko tulad ng paglalagay ko ng bag ko sa tabi para kunyari "reserved". Nang bumukas ang pinto, nakita ko kaagad siya na pumasok kaya taranta kong binawi yung bag ko. Buti na lang at hindi niya nakita at tulad ng aking inaasahan, pumwesto nga siya sa tabi ko! HAHA. Medyo malakas pa nga yung pagka-upo niya eh, ginawang sofa. lol. Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Feeling ko satisfied na ako sa buong night shift namin at sobrang inspired na akong magtrabaho.

Bawat minuto talaga sinulit kong katabi siya. Hehe. Nang dahil sa pangyayaring yun, na-inspired akong magtrabaho na kahit sobrang daming lote, hindi ko ramdam ang pagod. At kahit na may misunderstanding kami ni Kuya Gil (na hindi ko pa rin alam kung anong nangyari) ay nanatili akong masaya.

Okay lang sa akin na hindi ko siya nakita sa uwian. Siguro may lakad siya or may pinuntahan. Pasasaan pa't dito rin naman sa barangay namin siya uuwi. Hehe. Well sana lang ay makatabi ko ulit siya sa favorite kong shuttle...