First night namin kagabi. Siyempre bago pumasok, umaasa ako na may magandang mangyari. Yung tipong nakakatabi si crush sa shuttle mula pasukan hanggang sa uwian at sa jeep.

Yun nga lang eh hindi naging swerte para sa akin ang gabing ito. Sana pala sumakay na ako ng Imus Shuttle kanina papasok kasi nalaman ko na lang kay Jojo na sa Imus sila sumakay kasama si Rowell. Although favorite shuttle ko yung Dasma ngayon, wala naman si crush! Nasabi ko na favorite na shuttle ko yun kasi ayun yung shuttle na kung saan first time kong nakatabi si Rowell. Yep, tandang tanda ko pa yung moment na yun.

Siyempre kapag may free time, tumitingin tingin lang ako sa paligid para makita ko lang si crush. Anyway, marami nga palang nanibago sa buhok ko ngayon though hindi lang naman ako ang bagong gupit, marami kami.

Masasabi ko na hindi nakakapagod ang gabing ito kasi konti lang ang lote at nagawa ko pang matulog ng mahigit 30 minutes! haha. Okay na yun para sakin tapos medyo hinapit ko na lang yung mounter.

Pag dating ng uwian, hindi pa rin ako sinwerte! Nagkasabay kami ni Rowell sa may hagdan na nagapila at medyo nauna ako lumabas. Pagsakay ko ng shuttle, may mangilan-ngilan ng nakasakay pero kaunti pa lang. Doon ako pumwesto sa may upuan na pang-buntis kasi favorite niyang pwesto yun. (Favorite shuttle ko rin pala to) Medyo matagal siya nakasakay kasi kinuha niya pa yata yung grocery niya pero bago pa siya nakasakay eh may babae ng umupo sa tabi ko! (ouch!) That time nainis talaga ako, nairita sa babaeng katabi. Ang dami dami pa namang bakante sa likod tapos sa tabi ko pa. Tsk tsk tsk.

Pagbaba namin hindi pa rin ako sinwerte. Nagmamadali akong pumasok sa walter na akala ko ay papasok din si crush pero nagkamali ako. Hindi ko siya nakita sa loob. Hindi ko siya nakita sa may lottohan. Imbes na magwithdraw ako eh umalis na lang kaagad ako at lumakad ng mabilis papuntang sakayan, umaasang maabutan ko siya kahit papaano. Ang ending? Ayun, walang umubra sa mga plano ko. Bigo ang first night ko...