Today naka-schedule talaga ako for haircut. Eh kasi naman ang haba na ng buhok ko at hindi ko na ma-manage. Alam ko namang pangit na ang itsura ko nang dahil dito sa buhok na 'to. Actually hinihiling ko na sana hindi ko makita si Rowell (or vice versa) after ng haircut ko kasi hindi ko alam kung magiging maganda ang resulta.

After lunch, nag-ready na ako for my haircut. Nagchange outfit, inayos-ayos ng kaunti ang buhok, then viola! Lumarga na ako.Kainitan ng tanghali yun pero hindi ako nagdala ng payong. Mas gusto ko yung naglalakad lang ako ng walang bitbit.

Nang makarating na ako sa barber shop, naabutan ko ang isang customer na kakilala ng naggugupit. So naghintay ako for my turn habang nakikita ko ang iba pang customer na dumadating. After a few minutes, turn ko na. This is it! Magugupitan na rin ako matapos ang ilang linggo at restday na pagpapaliban! Haha.

So far, naging satisfied naman ako sa naging result pero hindi ko alam kung masasatisfied ba ang mga taong makakasalamuha ko. Pero ang pinagwoworry ko talaga ay kung ano na lang ang magiging reaksyon ni Rowell pag nakita niya ang gupit ko. Basta nahihiya ako magpakita sa kanya ng bagong gupit.

Pero nangyari ang kinatatakutan ko. Habang naglalakad na ako papauwi, tumitingin tingin ako sa mga salamin sa bawat sasakyan ng makita ko like tricycle, jeep, etc. Matapos kong manalamin sa isang abandonadong jeep, may nakita akong lalaking pamilyar na pasalubong sa akin at may buhat buhat na TV. Too bad at hindi ko nakita ang mukha niya pero may kulay ang buhok niya at pamilyar din ang boses - si Rowell! Ang mali ko lang ay hindi ako tumingin sa mukha niya pero alam kong siya yun. Gusto ko ring maipalabas na malabo ang mata ko kaya sa daanan lang ako tumitingin. Hayss. Sobrang awkward ng moment na yun kasi hindi ko inaasahan. Nakita niya siguro akong nananalamin sa abandonadong jeep. Siguro iniisip niya na nakita ko lang siya kaya ako nagsalamin. AT siguro nalaman niya na nagpagupit ako! Naku!! Hindi ko tuloy alam kung nagmukha akong katawa-tawa sa gupit ko! Tsk..

Nagmadali akong umuwi habang inaalala pa rin ang hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkahiya tuloy. Nang makauwi na ako, agad akong naligo at nagbihis. Inayos ko na rin ang buhok na nilagyan ko ng style kahit papaano.

Actually, I've come up with the idea of buying vitamins sa botica gamit yung daan na dinaanan ko kung saan nakita ko si Rowell. Umaasa akong baka makasalubong ko ulit siya. This time, maayos na ako, malinis at tatango ako sa kanya incase na magkasalubong nga kami. Pero hindi na nangyari yun. Hindi ko na ulit siya nakasalubong. Siguro nakauwi na siya that time. Tinignan ko rin yung isang electronic repair shop na possibleng pinagdalhan niya ng TV pero wala talaga siya. Ayun, bigo tuloy akong umuwi.